Bumaba pa sa 1.1 ang reproduction rate ng COVID-19 sa National Capital Region, indikasyon na bumagal na ang hawaan ng naturang sakit.
Ayon kay OCTA research team fellow, Dr. Guido David, mas mababa na rin sa “zero” ang growth rate sa NCR sa mga nagdaang araw habang nasa negative growth rate na ang ibang LGU gaya sa Cavite at Laguna.
Kampante anya silang magpapatuloy ang downward trend ng COVID-19 cases sa Metro Manila gaya ng sitwasyon sa ibang bansa partikular sa India at Indonesia na nakaranas ng pagtaas at pagbaba ng kaso ng delta variant.
Gayunman, nilinaw ni David na hindi pa ito indikasyon na magtatapos na ang laban sa COVID-19 at dapat pa ring mag-ingat ng publiko, bakunado man o hindi. —sa panulat ni Drew Nacino