Bumaba pa sa 0.22 ang reproduction rate o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).
Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong 486 na nahawa sa COVID-19 sa NCR kahapon.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, bumaba na rin sa 5.5 ang Average Daily Attack Rate (ADAR) sa rehiyon mula sa 6.5 nitong nakalipas na araw.
Ang ADAR ay ang kabuuang tinatamaan ng COVID-19 sa kada 100K indibidwal.
Una nang ibinaba sa low risk classification ng COVID-19 ang NCR nitong miyerkules, matapos bumaba ang naitatalang bagong kaso ng nahahawa sa virus. —sa panulat ni Abigail Malanday