Muling bumaba ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila.
Ipinabatid ni Dr. Guido David, fellow ng OCTA research group na bumaba pa sa 1.28 ang reproduction number sa NCR mula September 9 hanggang 15 kumpara sa 1.34 mula September 2 hanggang 8.
Ayon kay David, nakapagtala ang NCR ng average na 5, 819 COVID-19 cases kada araw sa nakalipas na linggo at may growth rate na 9%.
Inihayag pa ni David na ang average daily attack rate sa Metro Manila ay 41. 66 cases kada 1,000 populasyon at positivity rate na 25%.