Bumulusok sa tatlong porsyento ang COVID-19 positivity rate sa NCR.
Ayon kay OCTA research fellow Dr. Guido David, pasok ito sa 5% positivity rate benchmark ng World Health Organization.
Paliwanag ni David, ito ay bunsod ng mas maraming nagagawang COVID-19 testing.
Maituturing aniyang “milestone” ang pagbaba ng positivity rate sa rehiyon mula sa 4% na naitala noong Nobyembre 3.
Samantala, nakapagtala na lamang ang Metro Manila ng 2.58 na average daily attack rate at 0.37 na reproduction number.
Sa ngayon ay nasa ‘very low risk’ na ng COVID-19 ang mga lungsod ng Navotas, Caloocan, at Malabon habang ang iba namang mga lugar sa Metro Manila ay nasa low risk.—mula sa panulat ni Hya Ludivico