Tumaas sa 0.48 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region (NCR).
Ayon sa OCTA Research Group, bahagyang tumaas ito mula sa 0.39 na naitalang reproduction number.
Ang reproduction number na nananatiling mababa sa 1 ay nangangahulugan ng pagbagal ng hawaan ng virus sa bansa.
Sa kabilang dako, umaabot na lamang sa 79 ang average COVID cases kada araw na mas mababa sa naitalang 91 average cases per day mula December 6 hanggang December 20.
Sa nasabing ulat, naitala rin ang average daily attack rate na 0.55 sa kada 100,000 populasyon habang nasa 0.6% naman ang positivity rate.
Ipinabatid pa ng OCTA, habang nasa labing limang siyudad naman ang ikinokonsidera na nasa ‘very low risk’ sa COVID-19 habang nasa ‘low risk’ naman ang Las Pinas at San Juan.