Umakyat sa 0.39 ang COVID-19 reproduction number sa National Capital Region.
Ito ay ayon sa OCTA research na bahagyang tumaas ang R-naught mula sa 0.34.
Ang reproduction number ay ang antas o bilis ng hawaan sa isang lugar, at dahil nananatiling mababa sa isa ang reproduction rate ay masasabing wala pa ring mataas na transmission.
Samantala, mas mababa sa 100 ang naitalang 7-day average sa NCR mula noong March 22 hanggang 28 ng nakaraang taon.