Hinihintay parin hanggang sa ngayon ng mga trimobile drivers at operators na maaprubahan ng Naga City Government ang kanilang request para sa fuel subsidy.
Ayon sa pederasyon ng mga trimobile at e-trike drivers operators association, noong April 2022 pa nila inihain ang kanilang hiling sa public safety office ng lalawigan para makakuha ng subsidiya.
Sinabi ng naturang grupo na nawawalan lang ng silbi ang kanilang inihain kung patuloy lang nilang hihintayin ang kanilang inaasam na ayuda mula sa pamahalaang lokal.
Sa huli, umaasa parin ang grupo na maa-aprubahan ang kanilang hiling sa kabila narin ng humihinang kita sa pamamasada, at pagtaas ng singil sa gasolina at kuryente.