Pinayagan ng Department of Justice (DOJ) ang request ng nasuspindeng hepe ng Bureau of Corrections (BuCor) na si Gerald Bantag.
Ito ang paghiling ng kampo ni Bantag sa DOJ noong Disyembre 13 na payagan ang prisons chief na maghain ng tugon sa mga komento ng mga nagrereklamo sa kanyang motion for inhibition.
Ayon kay Assistant State Prosecutor Charlie Guhit, na parte ng panel of prosecutors, bibigyan nila ng limang araw si Bantag upang makapaghain ng komento.
Sa parehong utos din, ang mga nagrereklamo ay binigyan ng parehong panahon para maghain ng kani-kanilang rejoinders pagkatanggap ng tugon mula sa respondent na si Bantag.
Matatandaang sa unang bahagi ng buwang ito, naghain si Bantag ng mosyon para i-inhibit ang panel of prosecutors mula sa kaso, na layong alisin ang awtoridad ng DOJ na magsagawa ng preliminary investigation.