Idaraos ng Manila Cathedral ang requiem mass para sa yumaong si dating Pope Benedict XVI, bukas.
Pangungunahan nina Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula at Apostolic Nuncio to the Philippines Reverend Charles Brown ang Eucharistic Celebration sa Minor Basilica of the Immaculate Conception, alas singko ng hapon.
Iniimbita naman ng simbahang katolika ang bawat isa na makiisa sa isasagawang misa.
Pumanaw ang Pope Emeritus o Joseph Ratzinger noong December 31 sa edad na 95.
Si Ratzinger, na bumaba sa pwesto bilang leader ng simbahang katolika noong 2013, ang kauna-unahang santo papa na nagbitiw sa tungkulin sa nakalipas na anim na siglo.
Samantala, nakatakda namang ilibing si Pope Benedict XVI sa Saint Peter’s Basilica, sa Vatican City, ngayong araw. – sa panulat ni Hannah Oledan