Hihigpitan na ng Grab Philippines ang kanilang requirement para sa mga nagpapa-book na pasahero.
Ayon kay Grab Philippines Spokesman Leo Gonzales, aminado silang naging maluwag sila sa kanilang mga panuntunan na humantong sa pagkamatay ng isa sa kanilang driver na si Gerardo Maquidato Jr.
Isa aniya sa nakikita nilang solusyon ay ang pagbabayad gamit ang credit cards.
Paliwanag ni Gonzales, dumaan na kasi sa bangko ang basic information ng pasahero kaya’t siguradong legal na ito.
Matatandaang namatay si Maquidato matapos barilin at itulak palabas ng minamanehong sasakyan ng suspek na posibleng naging pasahero nito.
—-