Paplantsahin pa ng mga otoridad ang mga requirements sa interzonal travel.
Ayon ito kay Dr. Ted Herbosa, medical expert sa national task force against COVID-19 matapos pumayag aniya ang doh at iatf sa hiling ng local executives na humingi sila ng negative COVID-19 test result sa sinumang papasok sa kani kanilang teritoryo.
Sinabi sa DWIZ ni Herbosa na ang gusto lamang ng DOH at IATF ay magkaroon ng standard COVID-19 test.
Pag-uusapan pa rin ito, at iyon nga sabi nga, pwede basta PCR, iyong gumagamit ng antigen, gumagamit ng antibodies para ma-standardized lang natin at ma-catch lang natin talaga ang pagpasok , pag-uusapan pa rin ito.
Naniniwala si Herbosa na balancing act ang dapat gawin para malabanan pa rin ang virus.
Una nang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na sapat na ang vaccination card para makapasok sa ibang lugar o lalawigan ang mga fully vaccinated individual na kinontra naman ng local executives.
It’s a balancing act talaga, Wala naman sigurong mali o tama rito, we balancing act kung ano ang gagawin. Kahit tayo we are balancing between GCQ, with restrictions minimal restrictions with GCQ hindi tayo sure there’s a lot of uncertainty pwedeng sumipa muli ang cases kasi plateau pa rin tayo ,″ wika ni Herbosa.