Ipinananawagan ng ilang kongresista ang pansamantalang pagsuspinde ng COVID-19 travel requirements sa mga lugar na binayo ng bagyo.
Ayon kay Assistant Majority Leader Fidel Nograles, mas magandang luwagan muna ang travel restrictions ng inbound travelers nang mapabilis ang disaster response ng pamahalaan at pribadong sektor.
Giit ng kinatawan, kailangan pa rin ikonsidera ang pagpapagaan ng mga panuntunan kahit pa may banta ng COVID-19.
Aniya mapapadali nitong matunton ng mga pauwing kaanak ang kanilang pamilya sa mga lugar na pinadapa ng bagyo gayung wala pa ring internet at linya ng komunikasyon.—sa panulat ni Joana Luna