Sisimulan na sa Enero 20 hanggang 21 ang COVID-19 vaccination roll-out sa ilang piling botika sa bansa.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 deputy implementer at testing Czar Vince Dizon, tinatawag itong ‘Resbakuna Sa Mga Botika’ na magsisimula sa pitong kalahok na pharmacies.
Sakaling matapos ang launching at pilot sa loob ng isang linggo, palalawigin ang programa sa iba pang siyudad sa Visayas at Mindanao.
Unang ginawa ang kahalintulad na programa sa Estados Unidos para mapataas ang bilang ng mga nababakunahan.—sa panulat ni Abby Malanday