Magsasagawa ng nighttime vaccination ang gobyerno ng Tarlac para sa mga empleyadong nahihirapang magpabakuna kontra COVID-19 dahil sa iskedyul sa trabaho.
Ayon sa gobyerno ng nasabing lalawigan, magsisimula ang bakunahan mula 6:00 pm hanggang 9pm sa Maria Cristina Park tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.
Hinimok naman nito ang mga manggagawang hindi pa bakunado na samantalahin ang ‘Resbakunight‘.—sa panulat ni Airiam Sancho