Patuloy ang paghahanap sa survivors sa naganap na malawakang lindol sa Haiti na kumitil na ng halos isang libong katao.
Maliban sa sariling kamay, gumamit na ang rescuers ng mga heavy equipment para maghanap ng mga nakaligtas sa mga ilalim ng mga gumuhong gusali dalawang araw matapos ang mapaminsalang lindol.
Sinabayan pa na may posibleng parating na pagbaha at mudslides ang paghahanap sa mga nakaligtas na residente.
Umabot naman na sa 6,900 ang nasugatan at 1,419 na ang naitalang patay dahil sa 7.2 na lindol na yumanig sa lugar nitong nakaraang linggo.—sa panulat ni Rex Espiritu