Patuloy ang isinasagawang rescue operations sa mga lugar na sinasalanta ngayon ng bagyong Dante.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, nasa dalawamput walong pamilya na ang nailikas sa region 8 na apektado ng bagyo.
Ani timbal nagsuspindi rin ng pasok ang iba’t ibang local government unit sa Northern Samar, Eastern Samar, Tacloban City at Southern Leyte.
Naiulat din aniya ang mga pagbaha sa 11 Barangay kabilang ang Maasin City at Southern Leyte.
Siyam sa 11 Barangay umano ay nasa dalawang talampakan ang taas ng baha habang ang iba ay aabot sa 4 feet.
Samantala, na-stranded din ang nasa 206 na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa CALABARZON.
Gayundin ang 85 rolling cargoes at 13 vessels.
Kaugnay nito, nagbabala rin ang PhiVolcs sa posibleng pagkakaroon ng lahar flow sa Mayon Volcano.