Nasagip ng mga tauhan ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) ang apat na kabataang ibinubugaw ng sarili nilang kamag-anak via on line sa Taguig City.
Kinabibilangan ito ng isang 6 na taong gulang na lalaki at ang mga batang babae na nasa edad na 9, 10 at 17 taong gulang.
Ikinasa ang operasyon sa pangunguna ni anti-trafficking in persons division ng WCPC na si P/Col. Maria Shiela Portento sa pakikipagtulungan nito sa Taguig City Police Station at ang non-government organization na International Justice Mission.
Arestado naman ang kamag-anak ng mga nasagip na siyang nasa likod ng pambubugaw sa kanila gamit ang internet kaya’t ipinagharap na ito ng kaukulang kaso.
Ayon naman kay P/Bgen Alessandro Abella, ang Director ng WCPC na ito ang ika-12 operasyon na isinagawa nila sa lungsod pa lang ng Taguig kung saan 52 biktima na ang nailigtas habang 26 na mga suspek naman ang naaresto.