Maayos ang kondisyon ng mga bihag na hawak ng bandidong Abu Sayyaf.
Ayon ito kay Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana matapos nilang kumustahin ang mga nasabing bihag sa pinakahuling nasagip nilang bihag din ng bandidong grupo.
Kinumpirma rin ni Sobejana ang nangyaring engkuwentro ng tropa ng pamahalaan at mga bandido mag-a-alas-12:00 ng tanghali at kasagsagan ng botohan kahapon kung saan isang sundalo ang nasawi.
Ang nasabing bakbakan ay bahagi aniya ng kanilang rescue operations.
“Dahil selective ang paggamit ng aming sandata because of the kidnap victims, ayon sa na-rescue namin ang mga bihag naman ay nasa maayos na kondisyon, of course medyo may kahirapan ang kanilang sitwasyon ngayon dahil sila’y lumalakad kasama ang kanilang mga abductor.” Pahayag ni Sobejana
Kahapon, kinumpirma ni Sobejana na na-recover nila ang katawan ng isang miyembro ng Abu Sayyaf na nasawi matapos na muling maka-engkuwentro ng militar ang bandidong grupo.
Naniniwala si Sobejana na marami-rami ang nalagas sa panig ng kalaban matapos ang magkakasunod na engkuwentro.
“Pangatlong engkuwentro na ‘yung kahapon, ‘yung second day may 10 casualties sa panig ng kalaban.”
Aniya, parte ng kanilang mga operasyon ang pag-rescue sa mga bihag gayundin ang pagpapanatili ng seguridad sa lugar.
Tiniyak ni Sobejana na ginagawa nila ang lahat upang ligtas na ma-rescue ang mga bihag na hawak ngayon ng bandidong grupo.
“I’m giving assurance to the families of the kidnap victims na gagawin natin ang lahat upang mailigtas natin sila.” Dagdag ni Sobejana
AR/ (Ratsada Balita Interview)