Nagpapatuloy ang paghahanap sa 12 Marines na nawawala kasunod ng salpukan ng dalawang helicopter sa isang isla malapit sa Hawaii.
Ayon sa US coast guard, malaking problema ang malalaking alon sa lugar kaya’t mas naging mahirap ang search and rescue operation.
Sa kabila nito, nanatiling positibo ang rescue team na may makukuha pa silang buhay na mga marino.
Patuloy pa ring naghahanap sa lugar ang ilang mga coastguard aircraft, dalawang US navy warship at ilan pang mga police at fire helicopters.
By Rianne Briones