Tinangay ng flash flood ang isang City Disaster Risk Reduction Management (CDRRM) rescuer, kasama ang nire-rescue nito sa Valencia, Bukidnon noong Biyernes.
Sa video na kuha ni CDRRM officer June Rey Valero, nakayakap sa isang kahoy ang 17- anyos na lalake na una nang tinangay ng baha.
Ayon kay Valero, lumusong ang responder na kinilalang si Kenneth Richards Cabaluna sa rumaragasang tubig upang puntahan ang kinaroroonan ng biktima.
Sa lakas ng alon ay nabitawan ni Cabaluna ang lubid na ipang-re-rescue sana.
Mahigpit na napahawak sa kahoy ang rescuer kasama ang nirerescue nito ngunit natangay rin ng baha ang dalawa.
Natagpuang buhay ang dalawa matapos ang isinagawang rescue operation na tumagal ng dalawang oras.
Pinasalamatan naman ng lokal na pamahalaan ang kabayanihang ginawa ni Valencia. —sa panulat ni Hannah Oledan