NAGING matagumpay ang dalawang araw na regional research forum na layuning bumuo ng Southeast Asian Framework para mahimok ang mga guro na manatili sa kanilang propesyon.
Sa aktibidad na inorganisa ng Seameo Innotech, nagtipon-tipon ang mga delegado mula sa 10 Southeast Asian nations, kabilang ang Brunei Darussalam, Cambodia, Indonesia, Lao PDR, Malaysia, Myanmar, Piliipnas, Thailand, Timor Leste, at Vietnam.
Maaalalang nakapagdaos na rin ang Innotech ng Teacher Motivation study sa Pilipinas bilang technical assistance nito sa Department of Education (DepEd).
Sa pag-aaral, idinokumento ang ilan sa mga nangungunang dahilan na nagtutulak sa mga titser para pumasok o umalis sa propesyon, gayundin ang mga potensiyal na rason kung bakit kumalakas sila sa pagtuturo.
Ang forum, na idinaos mula Setyembre 19-20,2023 sa Seameo Innotech Pearl Hall sa Quezon City, ay natapos sa pamamagitan ng isang closing message mula kay Seameo Innotech Center Director at dating DepEd Secretary Leonor Magtolis-Briones.
“Innotech recognizes the key role of teachers in improving the quality of education and enhancing student achievement and learning outcomes. The insightful study conducted in the Philippines served as the catalyst for expanding this research to encompass other Southeast Asian countries,” pahayag ni Briones.