Isinailalim muli sa yellow alert ng NGCP o National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon Grid.
Ayon sa NGCP ito ay dahil sa nararanasang manipis na reserba ng kuryente sa buong Luzon bunsod ng hindi inaasahang shutdown sa ilang power plants at dahil na rin sa mataas na demand sa kuryente.
Epektibo ang nasabing alerto mula kaninang alas-11:00 ng umaga hanggang alas-3:00 mamayang hapon.
Sa ngayon sinabi ng NGCP na mayroong 9,310 megawatts peak demand kuryente habang 9,894 megawatts lamang available capacity sa Luzon.
Kahapon, isinailalim din sa kaparehong alerto ang Luzon mula alas-11:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.
—-