Aminado si Director Popong Andolong, hepe ng Public Affairs Service ng Department of National Defense (DND) na malaki na ang pangangailangan para madagdagan ang reserve officers ng bansa.
Sinabi ito ni Andolong kasunod ng pagbabalik sa ROTC o Reserve Officers’ Training Corps para sa susunod na pasukan sa grades 11 at 12.
Sinabi ni Andolong na maliban sa pagsasama sa basic education ng ROTC, kanila rin pinag-aaralan ang pagpapagamit lamang ng maong at puting t-shirt sa training, katulad ng ginagamit sa boot camp upang mabawasan ang gastos ng magulang.
“Ang ating reserved force sa Armed Forces ay bumababa na po ang bilang, kailangan natin sanang dagdagan yan upang makatugon tayo sa mga calamities at disasters lalo na ngayon na new normal na ang malalakas na bagyo at ina-anticipate po yung ‘The Big One.’” Pahayag ni Andolong
By Katrina Valle | Sapol ni Jarius Bondoc