Kailangan nang mai-relocate ang mga residente ng barangay Lagro sa Quezon City kapag nagsimula na ang konstruksyon ng MRT 7 depot ayon sa ilang residente.
Nabili na ng gobyerno ang nasabing lupain para pagtayuan ng MRT 7 depot.
Tiniyak naman ni Giovanni Lopez, Assistant Secretary for Procurement and Project Implementation ng Department of Transportation (DOTr) ang naka kasa nang resettlement action plan para sa mga apektadong residente.
Ang konstruksyon ng depot ay bahagi ng MRT 7 project na halos 50% nang nakukumpleto.