Nanindigan si Senadora Grace Poe na kwalipikado siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon kaugnay ng kinukwestyong residency nito.
Ayon sa Senadora, nakaka-insulto ang paratang ng United Nationalist Alliance o UNA na hindi siya naging tapat at itinago ang bagay na iyon.
Binigyang diin ni Poe na sobra -sobra pa sa sampung taon ang kanyang paninirahan dito sa bansa dahil 2005 pa aniya nang magpasya ang kanyang pamilya na mamalagi sa Pilipinas makaraang mamatay ang amang si Fernando Poe Jr.
Binalaan ni Poe ang kampo ni Binay na dahil sa ginagawang paninira sa kanya ng kampo nito ay posible aniyang mapabilis ang kanyang pagpapasya na tumakbo sa Panguluhan sa 2016.
By Ralph Obina | Cely Bueno (Patrol 19)