Umaalma ang mga residente at local government sa mga plano nuong tuluyang pagpapasara sa minahan sa Barangay Ucab sa Itogon, Benguet.
Ayon ito kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda dahil taong 2016 pa lamang ay hiniling na ng Benguet Corporation ang pormal na pagsasara ng mining operations nito para sa rehabilitasyon ng lugar.
Sinabi ni Antiporda na hindi nila alam kung bakit ayaw makipag tulungan ng local government at komunidad sa usaping ito bagamat batid naman nila aniyang kabuhayan ng mga ito ang mawawala.
Tuluyan na aniyang hindi makakapag mina ang mga tao dito sakaling magkaruon ng closure at i-rehabilitate ang lugar.
Inihayag ni Antiporda na hindi maipapatupad ang planong closure at rehabilitation kung walang approval ng board na kinabibilangan ng komunidad, local government at ang pinuno nito ay DENR secretary.