Binalaan ng PHIVOLCS ang mga residenteng nakatira malapit sa Taal Caldera matapos maitala ang volcanic smog.
Ang Taal Caldera ay lawang nakapaligid sa Bulkang Taal at sinasabing bahagi ng orihinal na anyo ng naturang bulkan.
Sakop ng Taal Caldera ang mga bayan ng Talisay, Laurel, Agoncillo, Sta Teresita, San Nicolas, Alitagtag, Cuenca, Balete at Mataas na Kahoy.
Ayon sa PHIVOLCS, umabot ng hanggang halos 5k tonnes kada araw ang ibinugang sulfur dioxide ng bulkan kahapon samantalang nasa 30 degrees celsius ang atmospheric temperature ng bulkana t 75 percent ang humidity ng hangin.