Lumikas ang libu-libong residente ng Maguindanao at North Cotabato bunsod ng pagbaha.
Batay sa tala ng North Cotabato PDRRMC o Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council, apektado ang may 20 barangay sa bayan ng Pikit, 4 na baranggay sa Mlang, at 2 barangay sa Kabacan.
Ayon kay PDRRMC Officer in Charge Arnulfo Villaruz, dahil bumababa ang tubig mula bukidnon papunta sa Pulangi River, inasahan na ang pagbaha sa mga lugar malapit sa nasabing ilog kahit hindi tuluy-tuloy ang pag-ulan.
Sa katunayan, aniya, maaraw sa mga nasabing probinsya ngunit lubog pa rin sa baha ang ilang mga paaralan, bahay, at bukid.
By: Avee Devierte