Nasunog ang isang residential area sa Bilibid Viejo St. sa Quiapo, Maynila nitong Lunes.
Ayon sa Bureau of Fire Department ng lungsod, nag-umpisa ang sunog pasado ala-7 kagabi, na umabot sa unang alarma.
Nasa 20 pamilya ang nawalan ng tirahan at wala namang nasugatan sa insidente.
Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang sanhi ng sunog. —ulat mula kay Aya Yupangco (Patrol 5)