Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa tungkulin ni Cesar Montano bilang Chief Operating Officer ng Tourism Promotions Board (TPB).
Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Secretary Christopher “Bong” Go, kagabi.
Ayon kay Go, nakasaad sa resignation letter ni Montano na “effective immediately” ang kaniyang pagbaba sa pwesto.
Una rito, inanunsyo ni Tourism Secretary Romulo-Puyat na tinanggap na niya ang pagbibitiw ni Montano.
Magugunitang naging kontrobersiyal si Montano dahil sa pinasok nitong 80 Milyong Pisong Buhay Carinderia Project.
Gayunman, mariing pinabulaanan ito ni Montano at iginiit na dumaan sa tamang proseso ang nasabing proyekto at suportado rin aniya ng kumpletong dokumento.