Naipadala na ni Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte ang kanyang resignation letter sa Palasyo ng Malakanyang.
Ito ang kinumpirma ni Davao City Mayor Inday Sarah Duterte – Carpio matapos malagdaan ng kanyang Kuya kahapon ang liham nito.
Ipinadala aniya sa pamamagitan ng courier service na LBC ang resignation letter ng Bise Alkalde na ipinadala sa Office of the President.
Ngunit pag – amin ni Mayor Carpio, bagama’t ama nila ang Pangulo, wala naman silang ideya kung aaprubahan nito ang pagbibitiw ng kanyang kapatid.
Binuweltahan din ni Mayor Carpio si Senador Antonio Trillanes na ‘mema’ o may masabi lamang sa isyu ng pagbibitiw ng kanyang kapatid dahil hindi naman iyon gagawin ng kanyang kapatid dahil lamang sa iniimbestigahan siya ng Ombudsman.
Everybody is waiting whether the Office of the President will accept the resignation or not.
So, nothing will be final until the resignation whether is accepted.
I don’t think na he [Davao City Vice Mayor Paolo Duterte] is closing his door in running again but for this term… he felt na the best way to redeem his honor and to protect his children is to resign because ‘yun nga sinabi niya, “delikadesa”.