Nasa tanggapan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation letter ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio.
Ito ang kinumpirma ni Presidential spokesperson Salvador Panelo bagama’t hindi pa aniya ito nababasa ng pangulo.
Tiniyak naman ni Panelo na nakahanda si Pangulong Duterte na pakinggan ang paliwanag ni Rio hinggil sa paggamit ng confidential fund ng DICT.
Magaganap aniya ito sa nakatakdang pakikipagkita ni Pangulong Duterte kay Rio bagama’t wala pang tinukoy na eksaktong petsa para dito.
Dagdag ni Panelo, susubaybayan din ng pangulo ang isasagawang pagdinig ng Senado sa nabanggit na kontrobersiya sa pondo ng DICT.