Tinanggap na ng Pangulong Rodrigo Duterte ang resignation ni COMELEC Chairman Andres Bautista.
Sinabi ng Pangulo na mas mabuting maalis na rin si Bautista sa COMELEC.
At mas maganda aniya kung mas maaga na ring umalis ng COMELEC si Bautista.
Si Bautista ay inaakusahang nagkamal ng nakaw na yaman at tumanggap ng referral fees mula sa election technology contractor na SMARTMATIC.
Magugunitang inanunsyo ni Bautista ang kaniyang resignation epektibo sa December 31, 2017.