Kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Herminio Coloma na nagsumite na ng kaniyang resignation letter sa Pangulong Noynoy Aquino si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Gayunman, sinabi ni Coloma na pinakiusapan pa ng Pangulo si Roxas na manatili muna sa puwesto at kumpletuhin ang ilang trabaho nito at matiyak ang maayos na transition sa DILG.
Kabilang sa mga umano’y pinakukumpleto ni PNoy kay Roxas ang pag-upgrade sa mga gamit ng PNP at maging ang resettlement ng informal settlers sa Metro Manila.
Sa kaniyang resignation letter, pinasalamatan ni Roxas ang Pangulo dahil nabigyan siya ng pagkakataong mabing bahagi ng team nito at sumabay sa lakad ng Daang Matuwid.
Muling inulit ni Roxas sa kaniyang resignation letter ang pasasalamat sa Pangulo sa pag-endorso sa kaniya bilang standard bearer ng Liberal Party sa 2016 elections.
By Judith Larino