Hindi pa tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang courtesy resignation ni Agriculture Secretary Manny Piñol.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ilang araw matapos si Piñol ng kanyang kahandaan na bumaba ng pwesto at paghahain ng resignation letter.
Paliwanag ni Panelo, tulad aniya ng sinabi ni Pangulong Duterte na kakausapin muna nito si Bangsamoro Region Interim Chief Minister Al-haj Murad Ebrahim kung posibleng italagang pinuno ng Mindanao Development Authority si Piñol.
Iginiit ni Panelo, makikipagpulong muna ang pangulo kay Murad bago nito tanggapin ang pagbibitiw ng kalihim.
Dahil dito, nakasama pa rin si Piñol sa cabinet meeting sa Malakanyang.