Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw sa puwesto ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Undersecretary Eliseo Rio Jr.
Ito mismo ang kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung saan, una na itong tinanggihan ni Pangulong Duterte noong Marso.
Pinasalamatan naman ng Palasyo ang hindi matutumbasang serbisyo ni Rio sa bayan.
Magugunitang noong buwan ng Pebrero naghain ng resignation si Rio makaraang lumutang ang umano’y isyu sa P300-milyong confidential funds ng DICT.