Walang epekto sa preparasyon ng pamahalaan bilang host country sa Asia-Pacific Economic Cooperation Summit ang biglaang pagbibitiw ni Trade and Industry Secretary Gregory Domingo.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Herminio Coloma Jr.,ang mga kalihim na sina Cesar Purisima, Gregory Domingo at Arsenio Balisacan at lahat ng miyembro ng gabinete kabilang si Executive Secretary Paquito Ochoa at ang National Organizing Committee ay magkatuwang sa paghahanda sa ikatatagumpay ng APEC.
Si Purisima ang head ng Department of Finance samantalang si Balisacan naman ay nagsisilbing Secretary-General ng National Economic and Development Authority.
Pangungunahan naman dapat ni Domingo ang SME Ministerial Meeting sa Iloilo sa susunod na linggo.
By Mariboy Ysibido