Hudyat na ng pagsisimula ng 2016 elections ang pagbibitiw ni Vice President Jejomar Binay sa gabinete ni Pangulong Noynoy Aquino.
Ito, ayon kay Senador Chiz escudero, ang paraan upang tumutok sa pangangampanya ang mga tatakbong miyembro ng gabinete sa halalan tulad ni Binay.
Umaasa naman si Escudero na agad makapag-tatalaga ang Pangulo ng kapalit ng mga magbibitiw pang opisyal upang matiyak na hindi maaapektuhan ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)