Inaasahang maghahain ng certificate of candidacy para sa pagka-senador sa 2016 elections si resigned Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, sa Miyerkules.
Ito’y sa kabila ng mga kontrobersyang kinasangkutan ni Tolentino partikular ang mala-delubyong traffic at malaswang performance ng “The Playgirls.”
Gayunman, umaasa si Tolentino na matatapos na ang kontrobersya na tinawag niyang political storm.
Nanawagan naman ng suporta ang nagbitiw na MMDA Chairman sa kanyang pagsabak sa senatorial race.
By Drew Nacino