Ipinag-utos ng Office of the Ombudsman ang pagsibak sa pagkapulis kay resigned Philippine National Police (PNP) Chief Alan Purisima.
Kaugnay ito sa anomalyang kinasangkutan ni Purisima kasama ang 10 iba pa sa pagpasok nito sa kontrata sa Werfast Documentary Agency na isang courier service noong 2011.
Batay sa 50-pahinang desisyon na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, nakakita sila ng sapat na batayan para tanggalin si Purisima at ang 10 iba pa sa serbisyo.
Kabilang sa mga sinibak ng Ombudsman sina C/Supt. Raul Petrasanta, C/Supt. Napoleon Estilles, S/Supt. Allan Parraño, S/Supt. Eduardo Acierto, C/Insp. Nelson Bautista, C/Insp. Ricardo Zapata Jr. at S/Insp. Ford Tuazon.
Kasong grave misconduct, serious dishonesty at grave abuse of authority ang kinahaharap na kaso ng mga nabanggit na opisyal.
Nakasaad din sa desisyon ng Ombudsman na effective immediatelyang pagpapatupad ng dismissal order.
By Jaymark Dagala | Jill Resontoc (Patrol 7)