Hindi sigurado si Presidential Spokesman Harry Roque kung mabibigyan ng iba pang puwesto si resigned Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Kasunod na rin ito nang pagkakatanggap ng Pangulong Rodrigo Duterte sa resignation ni Aguirre at ipinalit si Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra.
Kasabay nito ipinabatid ni Roque na wala namang indikasyong aalisin sa puwesto tulad ng mga napapaulat si Labor Secretary Silvestre Bello the Third.