Maghahain ng resolusyon ang Minority bloc ng Senado bilang pagkilala sa naging kontribusyon at legacy o pamana ng dating Pangulong Noynoy Aquino.
Kasabay ito nang pagpapaabot ng pakikiramay ng Senado sa pamilya ng dating Pangulo na tatlong taong nanungkulan bilang senador.
Ayon kay Senate Minority Floor leader Franklin Drilon layon nilang maipaabot ng personal sa pamilya Aquino ang pag-apruba sa nasabing resolusyon.
Hihilingin aniya niya kay Senate President Vicente Tito Sotto III na mag open close na lang ang sesyon sa July 27, isang araw matapos ang huling sona ng pangulong rodrigo duterte bilang pagsunod na rin sa tradisyon ng senado kapag mayruong namamataqy na dating senador lalo pat naging pangulo ang dating Senador Noynoy Aquino.
Sinabi naman ni Sotto na malamang aprubahan nila sa july 27 ang nasabing resolusyon at pagkatapos ay mag a adjourn din ang sesyon.