Hindi pa rin nakikita hanggang ngayon ang 22 anyos na si Jovelyn Galleno na huling nakita sa loob ng Robinson’s Mall sa Puerto Princesa, Palawan.
Ayon sa mga otoridad, noong Agosto 5 pa huling nakita ang dalaga bago ito maglaho na parang bula.
Bukod sa pagpapa-blotter sa barangay sa pagkawala ni Jovelyn, humingi na rin ng tulong ang pamilya nito sa pulisya para mahanap ang dalaga.
Ang kuha ng mga CCTV camera sa Robinson’s ang isa sa ginagamit na batayan ng mga otoridad, upang malaman kung ano ang nangyari sa dalaga.
Sa ngayon, isang resolusyon na ang inihain ni Gabriela Party-List Rep. Arlene Brosas sa kamara upang imbestigahan ang sunod-sunod na pagkawala ng ilang indibidwal sa bansa.