Nagsumite ng resolusyon si Senadora Risa Hontiveros na nagpapahayag na hindi angkop at hindi karapat-dapat na mailibing sa libingan ng mga bayani si dating Pangulong Ferdinand Marcos dahil sa kasalanan nito sa bayan at mga paglabag sa mga karapatang pantao sa ilalim ng kanyang rehimen.
Nakasaad sa Resolution Number 86 ni Hontiveros, nilikha ang libingan ng mga bayani upang parangalan at alalahanin ang kabayanihan at katapangan ng mga nakipaglaban para sa pagtamo ng kalayaan ng bansa.
Magdudulot, aniya, ng higit na pagkakawatak-watak ang pagpayag na mailibing sa libingan ng mga bayani si dating Pangulong Marcos at muling mananariwa ang sakit na nararamdaman ng mga human rights victim, lalo pa ngayong nasa proseso pa lamang ng pagbibigay ng danyos sa kanila.
By: Avee Devierte / ( Reporter No. 19 ) Cely Bueno