Inihain ang isang resolusyon sa Senado na naglalayong i- extend ang prangkisa ng ABS – CBN Corporation hanggang sa 2022.
Pinangunahan ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang paghahain ng senate joint resolution number 11 para sa extensyon ng prangkisa ng ABS – CBN para mabigyan ng sapat na panahon ang mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso para ma-review ang franchise renewal ng network.
Kasabay nito, muling hinikayat ni Drilon ang kanyang mga kapwa mambabatas na kumilos na para sa naturang resolusyon upang hindi mailagay sa alanganin ang libo – libong mawawalan ng trabaho sakaling magsara ang kumpanya.
Nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng broadcast network sa Marso 30, 2020.