Pinag-aaralan na ng Metro Manila Council ang pagbabawal sa pagreserba ng mga parking slot sa pamamagitan ng pagtayo rito.
Ito ay matapos mabuksan ng isyu sa isinagawang council meeting sa Metro Manila Development Authority head office.
Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, isang resolusyon ang kanilang bubuuin na magbabawal sa mga tao na tumayo sa mga parking slot para ireserba ito.
Matatandaang sunud-sunod na insidente nito ang naganap sa mga nakalipas na araw, na nagresulta sa pisikal na komprontasyon ng mga sangkot.