Maghahain ng resolusyon si Senador Panfilo Lacson para hilingin na mag convene ang senado bilang constituent assembly kung saan magsasagawa ito ng hiwalay na session ukol sa isinusulong na pag amyenda sa saligang batas.
Ayon kay Lacson , hindi na kailangang magdaos ng joint session sa kanyang isinusulong na resolusyon at sa halip ay gagawin na ang anumang pag amyenda gaya ng isang ordinaryong batas na hiwalay na tatalakayin ng kamara at senado.
Matapos ito, ang anumang pagkakaiba sa mga probisyon ay kanilang ihahain para talakayin sa bicameral.
Matatandaang una nang sinabi ni Senate President Koko Pimentel na maghahain ito ng resolusyon na nananawagan na mag convene bilang constituent assembly ang kamara at ang senado.
Ngunit giit ni Lacson, mayorya ng mga senador ang hindi papayag sa resolusyon kung saan papasok sila sa isang joint session dahil mababalewala lamang ang kanilang boto sa joint voting.
(Ulat ni Cely Ortega- Bueno)