Unanimous o nagkaisa ang 23 senador sa pag-adopt sa senate resolution na naghahayag ng pag-apruba ng senado sa ratipikasyon ng Treaty on the Prohibition of Nuclear Weapon.
Ito ay ang Senate Resolution Number 620 na ini-sponsoran ni Senate Committee on Foreign Affairs Senator Koko Pimentel at nag-co-sponsor si Senator Rosa Hontiveros at lahat ng iba pang senador.
Ayon kay Sen. Pimentel ang treaty na ito ay nagpapalakas sa commitment laban sa paggamit, bantang paggamit, produksyon, pag-manufacture, pagbili, pag-iimbak, paglilipat o installation ng armas nuclear.
Ang tratado na ito ayon kay Pimentel ay “first globally applicable multilateral agreement na kumprehesibong nagbabawal sa nuclear weapons alinsunod sa international humanitarian law.”
Kabilang ang Pilipinas sa 52 mga bansa na unang lumagda sa treaty na ito.
Biglang signatory, malaki anya ang maitutulong sa bansa kabilang na ang ayuda sa magigimg biktima at remedyo sa kapaligiran na mapipinsala ng mapaminsalang armas nuclear.
Giit ni Pimentel, ang pagratipika nila sa no nuclear treaty ay hindi lang para sa ating kapakanan kung hindi para sa kapakanan ng susunod na henerasyon.
Naniniwala si Pimentel na nasa tama tayong panig sa isyu ng armas nuclear at mapapatunayan natin sa takdang panahon na we are on the right side of history. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)