Magsasagawa ng pagdinig ang Senado hinggil sa ipinalabas nilang resolusyon na humihiling ng pagbibitiw sa puwesto ni Health Secretary Francisco Duque III, oras na magbalik na ang session ng Kongreso.
Ito ang inihayag ni Senador Panfilo Lacson, sa kabila na rin ng pasiya ni Pangulong Rodrigo Duterte na panatilihin sa puwesto si Duque.
Ayon kay Lacson, isasagawang pagdinig mabibigyan aniya si Duque na magpaliwanag at ihayag ang kanyang saloobin.
Gayundin aniya ng iba pang mga iimbitahang resource person mula sa medical coomunity para mas maipaliwanag ang mga dapat na gawin sa mga panahon ng public health emergency at makapagpasa ng batas ang senado hinggil dito.
Samantala, kinumpirma naman ni Senate President Vicente Sotto III na kanilang tatalakayin ang resolusyon sa pagbabalik ng session lalu na’t marami aniya silang natatanggap na reklamo laban sa kalihim.