Gumagalaw na ang ‘Cha Cha’ o Charter Change sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Isang resolusyon na ang inihain para magsanib ang Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso bilang Constituent Assembly at pag-usapan ang pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Layon nito na umusad na ang hangarin ng Pangulong Rodrigo Duterte na mapalitan sa federalismo ang sistema ng pamahalaan mula sa kasalukuyang presidential form.
Ang resolusyon ay inihain nina ABS Partylist Representative Eugene de Vera at Pampanga Congressman Aurelio Gonzales Jr.
Ayon sa dalawang mambabatas bukod sa mas mabilis ay mas maliit ang gastos sa Constituent Assembly kumpara sa Constitutional Convention kung saan, hinahalal pa ang mga delegado at mangangailangan pa ng hanggang walong bilyong pisong pondo.
By Len Aguirre